Breaking News

Best Postpaid Internet

best postpaid internet

Ano nga ba ang pinaka the best postpaid internet para sa akin dito sa Kuwait? Nasubukan ko na ang Ooredoo, Viva at Zain, pero ano sa kanila ang mas ok para sa internet?

Para sakin wala namang halos pinagkaiba ang internet nila, pare-parehas lang halos ang bilis at coverage.

Ngayon ang ginagamit ko sa internet ko ay ang Ooredoo postpaid internet na may plan na 7 KD para sa unlimited 1T data at 4 KD para sa 500GB internet. Ang malungkot lang ay hanggang sa katapusan na lang ng subscription contract ko ung plan na 7KD at 4KD, kasi, pagtapos ng kontrata ko magbabayad na ako ng 10KD monthly dahil iyon na ang pinakamababa nilang postpaid internet plan.

Tinidnan ko ang tatlong networks at pare-pareho silang 10KD ang lowest available postpaid internet plan nila para sa 1T na data.

Dahil wala na akong option, stay na lang ako sa Ooredoo. Sayang at para na lang sa mga may business ang Mada. Mada dati gamit ko sa bahay na wala akong reklamo dahil wala akong naging problema.

Sa mga naglalaro ng Mobile Legends na kagaya ko, gamitin nyo ung simcard sa router imbis na mag co-connect ka lang sa wifi ng router. Napansin ko lang kasi na mas stable ang connection at walang drop sa ping.

Napansin ko din na may mga areas na biglang mag la-lag ung laro kapag ung portable wifi router ang gamit ko kumpara kung nakasaksak mismo sa telepono ung internet sim.

JDC

Isang ordinaryong OFW sa Kuwait na kagaya ng lahat na gising, ligo, trabaho ang routine araw-araw at nangangarap na balang araw ay makakauwi na ang lahat ng OFW sa Pilipinas na hindi na maghihirap.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.