Breaking News

GIVEAWAY: Prada Nevada Calf

prada kuwait

Meron akong isang Prada Nevada Calf black shoes na hindi ginagamit at gusto ko itong ibigay sa kung sinoman ang papalarin na mapili.

prada shoes
not actual picture

Hindi na siguro importante ang sukat ng sapatos dahil ipapamigay ko lang naman ito sa mapipili. Joke lang, ang sukat neto ay US 6.5 sa karton pero siguradong kasya ito sa may paa na 7 hanggang 7.5 siguro. Pero, again, hindi na importante ung sukat. Bahala kayo kung anong gagawin nyo kapag ikaw ang napili.

Papano makasali at papano mapipili ang mananalo?

  1. i Like at i follow ang OFW Kuwait FB page
  2. i-Tag sa comment sa FB ang kaibigan
  3. i-Share ang post sa wall mo na nakapublic
  4. Abangan ang live stream para karagdagan na instruction.

Mag la-live stream ako para makapuli kung sino ang mananalo sa pamamagitan ng paggamit ng Random Picker.

Kailangan nyo lang abangan kung kelan ang live stream ko sa OFW Kuwait FB page at siguraduhin na makikita ko sa post sa wall mo na nakashare ang contest na ito.

Ako mismo ang maghahatid ng sapatos sa bahay mo dito sa Kuwait as long as wala ito sa dulo na ng Kuwait, gaya ng Jahra, Khiran, etc. O kaya ay pwede tayong magkita sa Marina Mall o sa 360 MALL.

Sakaling may magbago sa rules ipopost ko agad or iuupdate ko dito.

JDC

Isang ordinaryong OFW sa Kuwait na kagaya ng lahat na gising, ligo, trabaho ang routine araw-araw at nangangarap na balang araw ay makakauwi na ang lahat ng OFW sa Pilipinas na hindi na maghihirap.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.