Breaking News

Issue ng Taxi Driver na si DA VE

DA VE

Maaalala na si DA VE ay nakulong dahil daw sa pag “rescue” ng isang kasambahay at ngayon ay nasa Pilipinas na pagkatapos niyang madeport.

Sinisisi ni DA VE si Sol kung bakit daw sya nadeport at dahil para sa kanya wala daw syang nagawang labag sa batas ng Kuwait. Panoorin nyo ang video ni DA VE.

Buong kwento paano ako pinakulong?#walanghustisya#proudOFw

Posted by DA VE on Saturday, January 19, 2019

Mga issue na nabanggit ni DA VE na personal ko na naexperience:

Walang photocopier sa loob ng consulate ng Philippine Embassy Kuwait

Last month pumunta ako ng embassy para sa passport renewal ko. Usually, kompleto ang dala ko na copy ng mga documents, pero nong time na iyon may kulang sa dala ko at kinakailangan kong ipa photocopy.

Dati nasa gilid lang ung photocopier pero wala na ito nong tinidnan ko. Sinabihan ako na sa labas daw ako magpa photocopy. Paglabas ko may mga Pilipino na nagtanong kung gusto ko ng transport, may nagtanong kung gusto ko ng ballpen at may nagtanong kung kailangan ko magpa-photocopy.

Sinama ako sa isang sasakyan na may photocopier sa loob. Sinabahin ko ung Pinoy na 1 copy lang ng document ang kailangan ko. Nagulat na lang ako ng iabot nya sakin ung 4 peraso ng papel at siningil ako ng 1 KD.

Ang pinakamalapit na pwedeng magpaphotocopy ay sa Jamiya, pero kakailanganin mong sumakay ng taxi o ung mga transport sa labas at sisingilin ka nila ng 1.5 KD. Mas makakamura ka nga naman kung 1 KD lang ang babayaran mo.

Walang sumasagot sa Hotline number ng embassy

May naisulat ako noong 2012, tungkol sa Philippine embassy hotline number na walang sumasagot.

Pero itong nakaraang linggo, may nakapagsabi sakin na tumawag daw sya sa numero ng Assistance To National (ATN) para humingi ng tulong at agad naman daw na may sumagot at mabilis ang ginawang aksyon.

Ito po ung number ng ating Assistance to National sa Kuwait: 69902264, 98005115, 65002612

OEC Online Appointment

May isang kabayan tayo na lumapit sakin at nagtanong kung may OEC appointment na daw ba ako. Dahil hindi naman pagkuha ng OEC ang pakay ko kaya sinabihan ko na lang na hindi ako kukuha ng OEC.

Kung totoo man ung sinasabi ni DA VE na naniningil ng 5 – 7 KD para sa online appointment? T@&*!A! Libre ang pagkuha ng OEC. Sakaling hindi po kayo marunong mag comment lang po dito at tutulungan ko po kayo. LIBRE PO!

Ano ang tingin ko sa nangyayari?

May kasabihan nga tayo na merong 3 sides ang kwento, ung kwento mo, kwento nya at ang totoong kwento.

JDC

Isang ordinaryong OFW sa Kuwait na kagaya ng lahat na gising, ligo, trabaho ang routine araw-araw at nangangarap na balang araw ay makakauwi na ang lahat ng OFW sa Pilipinas na hindi na maghihirap.

3 thoughts on “Issue ng Taxi Driver na si DA VE

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.