Breaking News

Passport and Visa Renewal for Adult and Minors 2019

passport visa renewal

Bagong taon, bagong pahina ng buhay. Para sa mga OFWs na under sa sponsorship nila ang kanilang pamilya, taon taon ang pag renew ng visa.

passport visa renewal

How much does it cost to renew a passport in Kuwait, what are the requirements and how long does it take for you to get your new passport?

  • Passport renewal: 19.500 KD (3,400 Pesos*)
  • Passport extension: 6.500 KD (1,00 Pesos*)

*Approximate

Required documents and steps for passport renewal for minors and adults:

Para sa passport renewal ng adult, kailangan mo ng:

  1. Copy ng passport mo na may information
  2. Copy ng visa.

Para naman sa minors, kailangan ng:

  1. Copy ng passport info
  2. Copy ng visa
  3. Copy ng passport ng parehong magulang at kanilang visa

Steps for passport renewal:

  1. Ipakita sa counter ang mga documents para makakuha ng form at number (sabihin agad kung merong minor na applicant dahil iba ang form)
  2. Mag fill up ng form
  3. Antayin ang number para maibigay ang documents at application form
  4. Pumunta sa 1st floor para magbayad sa cashier
  5. Pumila para sa pagpapa picture
  6. Tidnan sa resibo kung kailan ang releasing ng passport

TANDAAN: Priority ang minors at senior citizen

Required documents and steps for visa renewal for minors and adults:

Para sa pagpaparenew ng visa ng adult, kailangan mo ng:

  1. Copy ng passport na may information
  2. Copy ng visa
  3. Copy ng civil id (front and back)
  4. Civil ID renewal application form
  5. Insurance paper (ung binibigay sayo na papel kapag kumuha ng insurance)

Para sa pagpaparenew ng visa ng minor, kailangan mo ng:

  1. Copy ng passport na may information ng nanay, tatay at ng bata
  2. Copy ng visa ng nanay, tatay at ng bata
  3. Copy ng civil id ng nanay, tatay at ng bata (front and back)
  4. Civil ID renewal application form
  5. Insurance paper (ung binibigay sayo na papel kapag kumuha ng insurance)

Steps for visa renewal:

  1. Kumuha ng insurance – 30 KD+ sa bata at 40 KD+ sa adult
  2. Magpa type ng application sa may immigration mismo na gumagawa ng application o sa mga parang opisina na pwedeng makapag type ng application form mo. (Mas convenient ang magpatype ng application bago pumunta sa immigration para iwas hassle sa pila at oras)
  3. Submit ang mga documents sa immigration department
  4. Kumuha ng 10 KD stamp
  5. Anatayin ang passport na may bagong visa

TANDAA: Tidnang mabuti ang spelling ng pangalan, birthdate at lahat ng information na nakasulat sa english bago umalis.

Mag antay ng ilang araw at tidnan kung ready na ang bagong civil id sa website e.gov para magbayad ng 5 KD at para makita kung handa na ang ID at kung nasa anong machine number mo ito kukunin.

JDC

Isang ordinaryong OFW sa Kuwait na kagaya ng lahat na gising, ligo, trabaho ang routine araw-araw at nangangarap na balang araw ay makakauwi na ang lahat ng OFW sa Pilipinas na hindi na maghihirap.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.